Sunday, August 5, 2018

BUWAN NG WIKA: FILIPINO: WIKA NG SALIKSIK

Tuwing buwan ng Agosto ating pinagdiriwang ang Buwan ng Wika para ipaalala  sa bawat Pilipino ang ating pambansang wika dahil isa ito sa pinakamagandang pamana sa atin ng ating mga ninuno . Dahil dito kaya tayo ay nagkakaintindihan, at ang wika ang kasangkapan ng tao sa kaniyang pakikipag ugnayan sa kapwa.

Ang tema ngayong taon ay "FILIPINO: WIKA NANG SALIKSIK" ang salitang "SALIKSIK" ay katumbas ng research sa ingles. Ang tema ay kumikilala sa wikang Filipino bilang midyum sa paglikha, at paghahanap ng karunungan at kaunlaran. Nais ng  KWF na kilalanin nag wikang Filipino at ito ang ating gamitin sa pagsasaliksik ng kaalaman. Nais din nitong ating pagayamanin ang sarili nating wika. Halimbawa na lang sa paggawa ng thesis o research paper lalo na sa larangan ng agham at matematika dapat wikang filipino ang taing gamitin sa pagsusulat ng mga pangungusap. Kung isa kang doctor at nagpapayo ka sa may sakit , wikang filipino ang dapat mong gamitin para mas madali nila itong maintindihan. Dahil hindi naman lahat tayo ay nakakaintindi ng ingles. Ang wika din ay ginagamit upang maiparating ang mga nasasaloob na ideya at damdamin ng isang tao. 

Karamihan na sa atin ang nakaklimot sa ating sariling wika. Dahil ang pagkakaintindi ng iba mas magmumukha silang matalino pag magaling silang mag Ingles. Ano naman ngayon kung magaling kang mag Ingles? hindi yon ang basehan. Maalam ka sa ingles pero paano sa sarili mong wika?

Kailangan natin ng pagbabago, pero hindi kasama dito ang pagbago at paglimot natin sa sarili nating wika. Hanngat may oras pa, ating pagayamanin ang wika nating Filipino. Wikang Filipino gamitin at ating ipagmalaki dahil ito ang sumisimbulo sa ating pagiging Pilipino.

3 comments: